Tags

, , , , , , , , , ,

Nagising ako ng maaga. Ang init. Alas-siyete pa lang pero para kang natutulog sa tabi ng ihawan. Wala ka na ring mahihitang lamig sa electric fan kasi mas malamig pa yung hangin ng utot ko kesa sa hangin ng bentilador. No choice. Bangon kung bangon.

Bumaba ako at uminom ng malamig na tubig. Pampatanggal ng init ng katawan. Ayokong bumalik sa heat chamber na kuwarto kaya tumambay ako sa pinagsasampayan namin ng damit. Nung umagang iyon, naramdaman kong masarap pala gumising ng maaga.

Pinapakinggan ko lang yung mga ibong pipit na kumanta. “Eek-eek,” sasabihin ng isa, tapos sasagot din ng “Eek,” yung kapwa ibon niya. Pinapanood ko silang magpalipat-lipat ng puwesto—sa poste ng Meralco, sa puno ng Sampaloc, sa bubong ng kapitbahay, tapos aalis na. Nun ko lang din napagmasdan yung maruming ilog na tanaw mula sa amin. May mga puno pa rin sa gilid nun, buhay pa ang mga matatandang puno na pinilit makatagal kahit na kalahati ng ugat nila sinementuhan na. Siguro nung wala pang basura dito, ang ganda ng lugar na ‘to. Mabango pa sana yung hangin dito pag tag-ulan. Mas masarap pa sanang mabuhay.

Pag lumalakas ang hangin, dumadami ang ibon na napapadpad sa sampayan. At ang mga puno, umiindak pag nahihipan ng langit. Bakit ba ngayon ko lang uli naalalang buhay sila?

Gusto kong sumali sa Greenpeace o sa Kalikasan-PNE. Mga grupo iyon na tumutulong sa pag-aalaga ng kalikasan. Masarap lang sigurong alagaan yung “bahay” natin. Sino ba namang tao ang gustong tumira sa tahanan na sira? Siguro naman wala. Sabi nga, “Earth is our home.” Hindi lang sa usapin ng bansa tayo dapat na nagmamalasakit, para sa akin, dapat na ituring nating tahanan ang buong mundo. Kaso laganap pa rin ang paghahati-hati ng buong mundo sa iba’t-ibang teritoryo. Humahantong pa nga ang iba sa bombahan at giyera. Ano pa kayang gusto nila?

Narinig mo na ba yung kantang “Imagine”? Nung una kong marinig yung kantang iyon, hindi ko pa kilala si John Lennon. Maski hindi ko alam na astig na bigating rockstar ang kumanta at gumawa ng “Imagine,” patok agad iyon sa tenga ng puso ko. (Yeeheeeee!)

Imagine by John Lennon

Imagine there’s no heaven, it’s easy if you try

No hell below us, above us only sky

Imagine all the people, living for today

Yehey…

Imagine there’s no countries, it isn’t hard to do

Nothing to kill or die for, and no religion too

Imagine all the people, living life in peace

Yehey…

You must say I’m a dreamer

But I’m not the only one

I hope someday you’ll join us

And the world will be as one

Imagine there’s no possession, I wonder if you can

No need for greed or hunger

A brotherhood of man

Imagine all the people, sharing all the world

Yeheeeey…

You must say I’m a dreamer

But I’m not the only one

I hope someday you’ll join us

AND THE WORLD WILL BE AS ONE

Diba parang ang ganda kung lahat tayo ay taga-Earth at hindi lang taga-Pilipinas? Mas malawak yung pwedeng puntahan, hindi mo na kailangan pa ng passport. Hindi ka lang sa Pilipinas pwedeng makahanap ng trabaho kasi citizen ka naman ng buong mundo. Walang lugian, lahat ang pantay-pantay. Wala nang usapin ng lahi at kulay. Wala nang mag-aaway away para sa kung anumang likas na yaman kasi pakikinabangan ng lahat ang lahat ayon sa kanyang pangangailangan.

Naisip ko, masarap palang maging ibon. Hindi mo kailangan ng VISA para lumipad. Basta kayang liparin ng pakpak mo, hindi ka hahanapan ng kung anumang pruweba ng citizenship. Ang mga hayop kasi, nakatira sa mundo, hindi sa bansa. Wala silang pag-iisip na katulad ng sa tao pero mas napapasimple nila ang mga bagay-bagay. Bakit ang tao na meron namang karunungan, ginagawa pang komplikado ang buhay ng bawat isa?

Sabi ni John Lennon, “You must say I’m a dreamer

But I’m not the only one…”

Hindi talaga.😀