Tags

, , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Ilang buwan na kaming walang TV. Isipin mo…

Kabilang ako sa pamilyang magsasaka na pambalot sa tinapa ang tingin sa purpose ng diyaryo sa mundo.

Hindi rin sila nakikinig ng AM radio dahil walang signal doon ang radyo.

Walang mahilig magbasa kaya walang bumibili maski entertainment magazine man lang.

Sira ang TV namin.

Total news black-out.

Kaya nang marinig ko ang tungkol sa Scarborough, ang akala ko ay city iyon sa Canada o kung saan man at nagtataka ako kung anong kinalaman nun sa Pilipinas. In short, naiinis ako dahil nag-journalism ako eh napaka-mailap sa akin ng media. Laking pasalamat ko na naalala kong may radyo pala ako sa cellphone kaya habang naghihintay ng tawag mula sa jowa eh pinindot ko yung FM radio icon. Yes, tatscreen xD

Unang nabuksan ang 90.7 LOVE radio. May batang nagsasabi na LOVE radio ang number 1 FM radio channel sa bansa at pangalawa ang YES FM. Talaga? Ktnxbye. Hindi ako interesado kaya inilipat ko sa ibang channel. Nasaktuhan ko ang RADYO5, yung redio news channel ng TV5. Nagcocommentary si Erwin Tulfo, tungkol sa K+12. Halatang tutol siya. Very good.  Dapat lang. Nakakainis kayang magkaroon ng kapatid na pinipilit mong mag-college pero nagdadahilan na may TESDA Accreditation na daw siya sa Food Processing dahil Tecnical Vocational ang curriculum nila sa highschool? Ayoko siyang magkaroon ng cancer balang-araw dahil nagtrabaho siya sa isa sa mga pagawaan sa ibang bansa na maraming kemikal.

Edi ayun na, matapos nilang mag-usap ni Usec. Quijano ng DepEd na nawawalan-walan pa ng signal ang telepono, wala sigurong signal sa opisina nila kaya hindi siya nakakareceive ng mga GM ng mga kabataan na ayaw nila ng kindergarten + 12 years sa pag-aaral, napunta sa segment ng “News Alert” ang programa.

Tungkol sa Scarborough. May mga salitang nabanggit tulad ng “pagmamahal sa bayan,” “soberanya,” “pang-aapi,” “langgam,” at “elepante.” Sabi ng kung sinuman iyon na taga-Malacaňang na kailangan nating magkaroon ng pagmamahal sa sariling bayan. Kailangan daw nating ipaglaban ang ating soberanya. At tungkol sa paratang ng Tsina na “inaapi” natin sila, hindi daw siya naniniwala na “Kayang apihin ng langgam (Pilipinas) ang isang elepante(Tsina).”

Nagpanting ang aking mga tainga. TAINGA. Ano daw ulit? Teka, sino bang hindi?

Sino bang hindi nagmamahal sa bayan?

Sino bang hindi ipinaglalaban ang soberanya?

Gumamit pa talaga siya ng paghahalintulad sa langgam at elepante. Mula sa narinig kong sekretarya ng Edukasyon kanina, hanggang sa taong taga-Malacanang (di ko talaga maalala kung sino) na nagbigay ng mga pahayag na iyan. Sorry Noynoy, strike two ang gabinete mo.

Lalong nakakainit ng dugo ang paggamit nila sa salitang soberanya.

Kasi may gagong pumirma sa VFA (Visiting Forces Agreement) noon na nagpapasok sa sundalong amerikano sa bansa na naglahi sa mga Pilipina ng clark. Handameng tisay at black ngayon doon. At ipinapatupad ulit iyon ngayon para pangalagaan ang interes ng US sa bansa natin. Ilang base-militar ng kano ang naitayo sa Pilipinas? Anong soberanya pinagsasabi niya?

Kung pagmamahal rin lang sa bayan ang pag-uusapan, anong panama niya sa mga halos magdildil na ng asin dito eh hindi naman naisip na magpabago ng nationality kahit sa pangarap lang. Talo pa nila yung mga kpop na napakitaan lang ng music video ng mga babaeng nakasuot ng makukulay na damit na sumasayaw sa nakakaindak na tugtog na may makukulay na ilaw bilang background eh gusto na agad maging koreano.

Huwag siyang makabintang na parang walang pakealam ang mga Pilipino sa bansa nila. Nawawalan na lang talaga sila ng panahon na problemahin pa iyon dahil:

Una, wala naman silang pakinabang doon. Ang karagatan ng Pilipinas ay nirerentahan ng mga dayuhang kumpanya para pangisdaan ng mga higanteng vessels nila. Sinisimot ang tuna para gawing sardinas na sa mga Pilipino rin naman ibinebenta. Ang nagiging labas tuloy, puta ang mga likas na yaman ng bansa, nagpapa-kantot sa dayuhang may pera.

Pangalawa, 8 hours a day ang pasok ng mga manggagawa. Puwera pa doon ang travel time ng papunta at pauwi. Tigang na pag-uwi kaya nakatitig na lang sa TV habang naghahapunan. Yung mga magsasaka naman, natutulog na lang pag-uwi matapos alagaan ang palay na sa ibang bansa din naman ipapalamon. At hello? Buti kung may TV sa kanayunan? Buti kung may linya ng kuryente? Buti pa yung pangulo, pagpirma lang ang pinagkakaabalahan, konting sakay sa plane at pa-dinner dinner with very important pipols daw. Marami siyang panahon para sana mahalin ang bayan. Pero anong ginagawa niya? Pipirma na lang, maling papel pa ang pinipirmahan. Jesus Christ.

Parang oil reserve lang sa Palawan na ibang bansa rin ang nakikinabang dahil wala daw “pondo para sa pag-refine ng langis…”

Parang asukal lang sa Hacienda Luisita na ini-export ng pamilya ng pangulo ng bansang ito…

Parang mga isla tulad ng Boracay na pino-pomote ang turismo sa mga dayuhan para hikayatin silang mag-invest doon imbis na tinutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga residente nila na pagkakitaan ang ganda ng lugar nila…

Ipaglalaban pa ba natin ang Scarborough sa ganitong lagay?

Kanila na lang.

Sa tingin mo?

The horseshoe-shaped shoal is among hundreds of disputed isles and reefs in the South China Sea, which is believed to be rich in oil and gas, along with being prime fishing ground and among the world's busiest sea lanes. China claims the sea nearly in its entirety, though the Philippines and four other countries have claims of their own. (c) ABC NEWS